Pangarap na maayos na bahay ni Teacher, natupad na
Madonna Cacho sa harap ng kanyang bahay sa Candon City, Ilocos Sur
Isang taon pa lang bilang isang guro si Madonna Cacho ay alam na niyang gusto niyang maipaayos ang kanilang bahay. Parang nadaanan daw kasi ito ng giyera noon, sabi ng asawa niya. Hindi naman kalakihan ang sahod ng isang guro at marami pa silang ibang gastusin sa pamilya, kaya palaging palaisipan, paano magkakatotoo ang pangarap niya?
Mabuti na lang naikwento ng kaibigan niya na kakayanin niyang maabot ang pangarap, sa tulong ng suporta ng community bank na malapit sa kanila. Lumakas ang loob niya at mas naengganyong ipagpatuloy ang pagloan nang malaman niyang hindi niya kailangan ng co-maker para makahiram ng pera at pinadali ng bangko ang proseso ng pag-approve sa kanya.
Sigurado si Madonna na hindi matitigil ang pagpapatayo niya ng bahay dahil sa convenient at personalized assistance ng kanyang bangko. Naging maaasahang takbuhan niya ang bangko para sa mga pangangailangan niya sa buhay. Ngayon ay may maayos na silang tirahan, at marami pa siyang projects na nakalinya! Gusto niyang maabot ang mga ito kasama ang kanyang trusted community bank, ang BDO Network Bank.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa products and services ng BDO Network Bank, bisitahin ang kanilang official website, Facebook page, o ang pinakamalapit na branch.