Guro sa public school, nakapagpundar ng pangarap para sa pamilya

Si Elvie ay isang guro sa public school na nangarap ng mas magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya. Sa tiyaga, tamang suporta, at pagplano ng tamang paggamit ng pondo, unti-unti niyang naabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Natuwa si Elvie noong siya ay nakakuha ng salary loan sa bangkong malapit sa eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho, dahil marami siyang naisip na magandang paggagamitan ng pondo. Sa tulong ng loan proceeds, si Elvie ay nakapagpatayo sa wakas ng maayos at ligtas na bahay. Dati kasi, sila ay nakatira sa bahay na gawa sa nipa lamang.
Si Elvie ay nakabili rin ng tricycle para mayroong magamit na vehicle ang kanyang asawang security guard papasok sa trabaho. Sa tulong ng nakuhang salary loan, nakapagtapos din si Elvie ng kanyang Master’s degree. Noong nakumpleto niya ito, nakatanggap siya ng promotion sa trabaho.

Sa sipag at suporta ng kanyang bangko, nakapagdagdag na rin si Elvie ng dalawa pang pagkakakitaan—tilapia-an at babuyan.
Natuwa si Elvie dahil nabigyan siya ng kanyang bangko ng simpleng solusyon upang maabot ang kanyang mga pangarap para sa pamilya. Nagamit ni Elvie ang pondo para maprotektahan ang pamilya at madagdagan ang income para mas marami na rin silang maitatabing pera para sa kanilang kinabukasan.
Para sa detalye tungkol sa mga produkto at serbisyo ng BDO Network Bank, bumisita sa BDO Network Bank official website, bumisita sa kanilang Facebook page, o pumunta sa pinakamalapit na branch.