Kita ng siguristang negosyante, safe sa katapat na bangko

Si Ana habang nagluluto ng kanyang produktong okoy

Ang negosyanteng si Ana Castro ay nagsimula sa pagbenta sa maliit na stall sa school canteen. Naranasan niyang kumita ng P100 lang sa isang araw. Naoperahan na rin dati si Ana nang dalawang beses, at dahil sa kanyang naranasan, lalo siyang sumikap sa paghahanapbuhay upang hindi maging pabigat sa pamilya.

Noong panahon ng pandemya, humina ang kita ng kanyang pwesto sa loob ng school canteen. Para mas makabenta, lumipat siya sa pwestong tapat ng isang food court. Nag-isip siya kung ano ang magandang ibenta sa mga hindi mahilig sa matatamis na Pinoy delicacies. Naalala niya ang paboritong okoy mula sa kanyang pagkabata at nagsimulang magbenta nito.

Sa simula ng kanyang pagbebenta ng okoy, matumal ang kita—P100 hanggang P500 lang kada araw. Noong nagkaroon siya ng suki na may koneksyon sa malalaking negosyante sa Laoag, ang kanyang produkto ay nasubukan ng mga negosyanteng ito, at dito nagsimulang lumago ang benta niya. Nagustuhan ng mga negosyante ang kanyang okoy, at sila ay bumili ng maramihan, pangmerienda at pangregalo.

Ang puwesto ng okoyan ni Ana Castro sa isang food court sa Bacarra, Laoag

Sa pagdami ng mga kliyente at paglaki ng kita ng kanyang okoyan, nagdesisyon si Ana na magbukas ng savings account sa bangko na isang tawid lang mula sa kanyang pwesto. Mas madali at mas mabilis siyang nakakapag-deposit at withdraw ng pera. Pinasimple ang pagbangko para kay Ana, kaya mas nakatutok siya sa kanyang negosyo.    

Ibinahagi rin niya ang halaga ng pag-iipon sa kanyang pamilya, at nagbukas din sila ng savings accounts. Mas napadali na rin ang pagtanggap ng remittance para sa mga kamag-anak niyang remittance beneficiaries, dahil malapit na sa kanila ang bangko.

Masaya si Ana dahil naibahagi niya sa kanyang pamilya ang halaga ng pag-impok sa bangko, at nasusuportahan siya ng bangko sa paglago ng kanyang negosyo. Para kay Ana, kayamanan niya ang kanyang mga suki. Pangarap niyang pasiyahin sila sa bawat okoy na binibili nila.

Para sa detalye tungkol sa mga produkto at serbisyo ng BDO Network Bank, bumisita sa BDO Network Bank official website, bumisita sa kanilang Facebook page, o pumunta sa pinakamalapit na branch.